"Sinabi na rin ni Vice President na nag-request talaga siya ng confidential fund. Ni-request niya talaga iyan sa Office of the President. So itong Office of the President naman, kinuha niya ito doon sa kanyang contingency fund. Ang problema kasi rito, mayroong definition ng contingency fund at kung saan mo lang siya pwedeng gamitin. Wala akong problema kung nagamit iyan sa feeding program, medical assistance ng ating mga kababayan. Pero ang problema riyan iyong pinanggalingan ng pondo na ginamit siya as confidential at saka iyong sinasabi niyang mga feeding program. Kasi kung galing sa contingency fund iyan, dapat nag-follow rin ito ng rules."
Iba't ibang usapin sa panukalang 2024 national budget at ang kontrobersiyal na P125 million confidential fund ng Office of the Vice President noong 2022, sasagutin ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro. Mapapanood ang buong panayam sa #TheMangahasInterviews.